Marami ang sumusuporta sa RH Bill, o ang HB 4244, kahit hindi pa man nila ito nabasa. Layunin ng seryeng ito na ilahad mismo ang HB 4244 at ang kanyang mga probisyong hindi naaayon sa ating pagka-Pilipino at pagka-Kristyano. Ilalahad din ang mga ibang isyung nakapaloob sa HB 4244 upang lalo nating maintindihan kung ano ba talaga ang layon ng saligang batas na ito at kung bakit ito dapat tutulan at ibasura.
Simulan natin sa Section 2, Declaration of Policy.
¨ The State recognizes and guarantees the exercise of the universal basic human right to reproductive health by all persons, particularly of parents, couples and women, consistent with their religious convictions, cultural beliefs and the demands of responsible parenthood. Toward this end, there shall be no discrimination against any person on grounds such as sex, age, religion, sexual orientation, disabilities, political affiliation and ethnicity.
Ang konsepto ng “Reproductive Health” ay galing sa mga banyagang bansa at ipinapahiwatig nito na ang lahat ng tao ay may karapatan sa “responsible, safe and satisfying sex life”; nakapaloob din sa konsepto ng Reproductive Health na karapatan ng tao na pumili kung paano, kailan at gaano karami sya mag-aanak.
Ang ibig sabihin nito – Walang pinipiling tao ang RH. Kahit sino, may karapatan sa RH:
1. Babae man o Lalaki.
Ang ibig sabihin nito – Walang pinipiling tao ang RH. Kahit sino, may karapatan sa RH:
1. Babae man o Lalaki.
2. Kasal man o hindi
3. Ano man ang kanyang edad. Kahit daw ang bata, may karapatan sa RH.
4. Kahit anong sabihin ng iyong relihyon, ang karapatan mo sa RH ang dapat manaig.
Samakatuwid, sa Section 2 pa lang ng RH bill ay tinuturuan na tayo na ang karapatan sa Reproductive Health ay higit pa sa mga nakagisnan nating mga kabutihang asal at kaugalian, kahit ano pa ang sabihin ng relihiyon o konsensya natin.
By Anthony Perez, Pro-Life Philippines
No comments:
Post a Comment